you kick, and scratch and fight with all your might you throw stones, and curse, and wish it blight it stands its ground, haughty as a feind eyes burning, voice roaring in the din of your futile brawl 'Hush, you creature! In your pomposity, you forget... You are man... and I am fate...'
teka lang, teka lang
ang bilis, bilis mo naman
marami pa ako'ng lugar na gustong makita
doon ako hinihila ng aki'ng mga paa
mga lugar na dapat sana'y una ko'ng narating
bago napadpad sa lupang banyaga
mga lugar na lalong marikit sa aking paningin
kung iisipin kong ito'y akin din
teka lang, teka lang
ang bilis, bilis mo naman
marami pa ako'ng gustong gawin
na kung gawin man, kung sa iba'ng lugar din lang
di magiging katulad sa pakiramdam
mga bagay na sa kahit ano'ng paraan man gawin
magiging tama lang kung sa tamang lugar tatapusin
dito, dito lang, sa lupang kinalakhan
teka lang, teka lang
ang bilis, bilis mo naman
marami pa ako'ng nakilalang gustong makasama
at mga nakasamang gustong makilala pa
sa mga taong matagal nang kakilala, matagal nang kasama
gusto ko'ng ipakilala ang taong naging 'ako'
mula nang kami'y huling magkita
ang mga taong mahal sa puso ko
gusto ko pang maramdamang mahal din nila ako
teka lang, teka lang
ang bilis, bilis mo naman
paano ko ipaiintindi sayo
masyado kang abala sa pag-ikot sa 'yong mundo
manong tumigil ka kahit saglit
dahil di pa ako handa
ayoko pa...
for words
are all I have...
no big bucks,
no mansions,
no pillars of gold
come the day when I'm too tired and too old
I'd like you to say of me, "she wrote".